This is a beta version of Bank of Makati Inc.'s website. Things may change as we improve the website. thanks for testing and sharing your feedback (send us a message on our official Facebook page or email us at malalapitan.kaibigan@bankofmakati.com.ph)!
Apply

Magandang Idea ba ang Mag-open ng Savings Account para sa Iyong Mga Kids?

June 19, 2025

Bakit magandang idea ang mag-open ng savings account para sa iyong mga kids?

  1. Matututo silang maging financially discipline
  2. Masasanay gumawa ng mga financial habits
  3. Magkakaroon ng ipon ang interest
  4. Magtatabi sa mas convenient na lugar
  5. Matututong mag-set ng personal goals

Overview

  • Para sa maraming magulang, ang pagtuturo sa mga bata na maging responsable sa pera ay mahalaga, at ang pagbukas ng savings account ay isang praktikal na unang hakbang.
  • Ang pagkakaroon ng savings account ay nakakatulong sa mga bata na maging financially disciplined, masanay sa regular na financial habits, at matutunan kung paano lumalago ang kanilang ipon dahil sa interest.

Para sa karamihan ng mga magulang, isa sa mga unang tanong pagdating sa pagpapalaki ng anak ay kung paano sila matuturuan na maging responsable sa pera. Hindi ito laging natuturo sa school, kaya mahalagang simulan sa bahay pa lang ang tamang financial habits.

Mas madali nilang matututunan ang value ng pag-iipon habang bata pa sila. Kaya hindi na rin nakapagtataka kung maraming mga magulang ang nag-iisip kung magandang idea ba na mag-open ng savings account para sa kanilang mga kids.

Kung isinasaalang-alang mo rin ito, pag-uusapan natin kung paano makakatulong ang savings account sa pagbuo ng solid financial mindset, at kung bakit ito isang practical na step para sa kanilang kinabukasan.

Matututo Silang Maging Financially Discipline

Mas madaling maipundar ang disiplina sa pera habang bata pa—lalo na kung may routine silang nasusundan. Kapag may sarili silang savings account, natututo silang maghintay, magplano, at magdesisyon kung kailan gagastusin ang pera at kailan ito mas makabubuting ipunin.

Hindi lang ito tungkol sa pagtitipid. Sa bawat perang natatabi nila, mas nagiging intentional sila sa paggamit. Mas nauunawaan nila ang pagkakaiba ng needs at wants. Unti-unti, lumalalim ang diskarte nila pagdating sa pera.

Bilang inyong katuwang, kami sa Bank of Makati ay may Young Savers Account. Sa halagang P100 initial deposit at P500 maintaining balance, puwede nang mag-earn ng interest ang ipon.

Masasanay Gumawa ng Mga financial habits

Masasanay gumawa ng mga financial habits

Kung may disiplina na, mas madaling makabuo ng routine. Kapag regular silang nagdedeposito—kahit pakonti-konti lang—mas nagiging natural para sa bata ang mag-prioritize ng ipon.

Habang ginagawa nila ito, natututo rin silang mag-set ng mini-goals, mag-track ng progress, at makakita ng value sa consistency. Hindi lang pera ang naitatabi nila. Nahuhubog din nila ang kanilang mindset.

Sa BMI, sinusuportahan namin ito. Sa Young Savers Account, hindi kailangang malaki ang halaga para makapagsimula. Isa itong paraan para masanay sa consistent saving habang bata pa.

Magkakaroon ng Ipon ang Interest

Hindi man agad exciting sa kanila ang idea ng interest rates, dito nagsisimula ang pag-intindi nila sa konsepto ng passive growth. Kapag lumalaki ang ipon nang hindi ginagalaw, mas nauunawaan nila na may reward ang consistency at simpleng disiplina ng paghihintay.

Sa BMI, kapag naabot na ang minimum maintaining balance, puwede nang mag-earn ng 0.625% interest per annum. Dito pa lang, nararamdaman na ng bata na may bunga ang bawat pisong iniipon nila nang maayos.

Magtatabi sa Mas Convenient na Lugar

Magtatabi sa mas convenient na lugar

Isa pa sa pinaka-practical na benepisyo ng savings account ay convenience. Hindi na kailangang magtago ng pera sa alkansya o wallet—mas secure at mas organized ito kapag nasa bangko.

Kapag hindi madaling ma-access ang pera, mas natututo rin silang magplano at maghintay bago gumastos. Nababawasan ang impulse at mas lumalalim ang appreciation nila sa halaga ng bawat withdrawal.

Matututong Mag-set ng Personal Goals

Kapag may savings account, mas madaling ituro sa bata kung paano mag-set ng personal goals. Hindi lang basta pag-iipon ang ginagawa nila, kundi ang pagtatabi ng pera para sa mga bagay na gusto o kailangan nila—gaya ng laruan, gadgets, o future plans.

Sa tuwing nadaragdagan ang ipon, mas naiintindihan nila ang connection ng effort at reward. Nararamdaman nila ang sense of ownership sa goals na iyon, kaya mas motivated silang mag-ipon kaysa umasa lang sa hingi o regalo.

Dito rin nila unang naiintindihan na ang pera ay hindi lang para sa ngayon, kundi para rin sa mga plano at pangarap na nangangailangan ng tiyaga at maagang paghahanda.

Key Takeaway

Kung matagal mo nang pinag-iisipan kung magandang idea ba na mag-open ng savings account para sa iyong kids, ngayon na ang tamang panahon. Mas maaga silang natututo, mas may pagkakataon silang mag-grow—hindi lang financially, kundi pati sa mindset, diskarte, at values na bitbitin nila habang lumalaki.

Ihanda ang inyong mga anak para sa isang financially smart at stable na kinabukasan sa tulong ng Bank of Makati. Nag-aalok kami ng iba’t ibang financial products na magsisilbing pundasyon para sa kanilang financial journey. Makipag-ugnayan sa amin ngayon!