This is a beta version of Bank of Makati Inc.'s website. Things may change as we improve the website. thanks for testing and sharing your feedback (send us a message on our official Facebook page or email us at malalapitan.kaibigan@bankofmakati.com.ph)!
Apply

Mga Paraan para Maabot ang Travel Goals Gamit ang Savings Account Mo

June 26, 2025

Ano ang iba’t ibang paraan para maabot ang iyong travel goals gamit ang iyong savings account?

  1. Mag-set ng travel goals at budget
  2. Ihiwalay ang savings account para sa travel
  3. Pumili ng high-interest account
  4. Gumawa ng timeline at reward system
  5. Gumamit ng financial tools at apps

Overview

  • Ang paggamit ng savings account ay isang mabisang paraan para maabot ang mga travel goals nang hindi biglaan at hindi mabigat sa budget.
  • Mahalagang magtakda ng malinaw na travel goals at budget, at ihiwalay ang savings account para lang dito upang masubaybayan ang pag-ipon.
  • Pumili ng high-interest account para lumago ang ipon, gumawa ng timeline at reward system, at gumamit ng financial tools o apps para sa mas madaling pag-track at consistent na pag-iipon.

Ang pagbiyahe ay hindi lang luho. Ito ay paraan para magpahinga, makadiskubre ng bagong lugar, o makabawi sa sarili. Pero gaya ng kahit anong goal, may kaakibat itong gastos. Mula sa pamasahe at hotel hanggang sa pagkain at activities, mahalagang may malinaw kang plano para hindi sayang ang experience.

Ano nga ba ang mga paraan para maabot ang iyong travel goals gamit ang savings account? Sa article na ito, tatalakayin natin kung paano makakatulong ang savings account para unti-unting mapalapit sa biyahe mong matagal mo nang pinapangarap.

Mag-set ng Travel Goals at Budget

Mahirap ipunin ang pera kung hindi malinaw kung para saan ito. Kaya mahalagang magtakda ng travel goals—kasama na kung saan mo gustong pumunta, kailan mo ito gustong gawin, at magkano ang kakailanganin mo para sa buong biyahe. Kapag klaro ang destinasyon, mas madali ring gawin ang monthly budget na sasakto sa timeline mo.

Para mas maging consistent sa pag-iipon, puwedeng hatiin ang budget mo sa categories: pamasahe, accommodation, pagkain, pocket money, at emergency fund. Kung alam mo kung magkano ang target mong halaga, mas madali rin malaman kung ilang buwan mo itong maaabot kung magiging regular ka sa pag-iipon.

May mga savings products kami sa Bank of Makati na pwedeng tumugma sa ganitong goal-setting. Kung gusto mong ma-track ang bawat ipon, may passbook option. Kung mas prefer mo naman ang flexibility, may ATM savings account rin na puwede sa kahit anong BancNet ATM o partner merchant nationwide.

Ihiwalay ang Savings Account para sa Travel

Ihiwalay ang savings account para sa travel

Mas mahirap kontrolin ang paggastos kung iisa lang ang pinaglalagyan mo ng savings at daily expenses. Sa ganitong setup, walang malinaw na boundary kung alin ang para sa essentials at sa travel. Kaya kung seryoso ka sa goal mo, mas mainam na magbukas ng hiwalay na savings account na para lang sa biyahe.

Sa ganitong diskarte, mas madaling masubaybayan ang progress mo. Mas nakakatulong din ito para maging mindful ka sa withdrawals—kung hindi mo madaling maa-access ang account, mas mapipigilan ang impulse spending.

Dito sa BMI, puwede kang magbukas ng Regular Savings o Power Cash ATM account na swak sa mga specific goals tulad ng travel. P500 lang ang initial deposit, at insured pa ng PDIC hanggang ₱1,000,000. Simple ang proseso, pero siguradong safe at secure ang paglalagyan ng ipon mo.

Pumili ng High-interest Account

Hindi sapat na may savings account ka lang. Dapat, tumutubo rin ang pera habang hinihintay mong maabot ang travel goal mo. Dito papasok ang halaga ng interest rate. Kahit maliit ang tubo kada buwan, malaki ang impact nito, lalo na kung consistent kang nag-iipon.

Mas maraming digital at traditional bank options ngayon na nag-aalok ng mas competitive rates. Magandang option ito lalo na kung medium to long-term ang target mong biyahe. Hindi kailangang malaking halaga agad. Ang importante, may growth kahit paunti-unti.

Sa BMI, meron kaming savings accounts na may interest rate na hanggang 0.625% per annum. Basta’t na-maintain ang balance, puwede nang tumubo ang ipon mo.

Gumawa ng Timeline at Reward System

Gumawa ng timeline at reward system

Kapag may timeline ka, mas nagiging concrete ang goal mo. Alam mo kung kailan, gaano katagal ang ipon, at anong amount ang kailangan maabot kada buwan.

Makatutulong din ang pag-set ng milestones at mini-rewards. Kapag na-reach mo ang 25% ng goal mo, puwede mong i-treat ang sarili sa simpleng bagay, tulad ng pagkain ng favorite food, panonood ng movie, o kahit isang rest day. Ang ganitong reward system ay hindi distraction kundi motivation para hindi ka mawalan ng momentum.

Mas nakakapag-build din ito ng solid na saving habit. Kapag natutunan mong bigyan ng halaga ang maliit na progress, mas nagiging consistent ka sa pag-abot ng malalaking goals.

Gumamit ng Financial Tools at Apps

May mga mobile apps at digital tools ngayon na makakatulong para mas mapadali ang tracking ng savings progress mo. Puwede kang mag-set ng target amount, i-visualize ang timeline mo, at may automatic reminders para hindi mo makalimutang maghulog kahit busy ka.

Ang iba, may auto-debit feature na puwedeng mag-transfer ng fixed amount mula sa main account papunta sa travel fund mo—no need to do it manually. Sa ganitong setup, consistent ang savings mo kahit wala kang oras mag-monitor araw-araw.

Key Takeaway

Hindi kailangang maging biglaan o mabigat ang pag-abot ng travel dreams mo. Sa tulong ng disiplina sa pag-iipon at tamang financial strategy, may mga paraan para maabot ang iyong travel goals gamit ang savings account. Ang mahalaga, nagsimula ka.

Abot-kamay na ang dream trip mo with Bank of Makati! Sa aming savings account, mas madali ang pag-ipon dahil sa competitive rates at hassle-free na proseso. Makipag-ugnayan sa amin ngayon.