This is a beta version of Bank of Makati Inc.'s website. Things may change as we improve the website. thanks for testing and sharing your feedback (send us a message on our official Facebook page or email us at malalapitan.kaibigan@bankofmakati.com.ph)!
Apply

Bakit Dapat Kang Magbukas ng Savings Account para sa Iyong Anak

October 9, 2025

Bakit dapat kang magbukas ng savings account para sa iyong anak?

  1. Maturuan ng basics sa pag-iipon
  2. Maituro sa kanila kung paano mag-handle ng pera
  3. Tulungan silang mag-ipon para sa short-term goal
  4. Para makapag-build ng credit nang maaga
  5. Makapag-prepare para sa future
  6. Mai-explain ang investing at interest ideas
  7. Ma-build ang responsibility at independence nila

Overview

  • Ang pagbubukas ng savings account ay mahalaga para maturuan ang mga bata ng tamang pag-manage at pagpapahalaga sa pera.
  • Sa pamamagitan nito, natututo silang mag-ipon para sa mga short-term goals at magkaroon ng financial discipline.
  • Para sa ligtas at maaasahang serbisyo, subukan ang savings account ng Bank of Makati, na may mababang initial deposit at mataas na interes.

 

Sa panahon ngayon, mabilis maimpluwensiyahan ang mga bata sa kanilang paggastos—mula sa mga kaibigan hanggang sa kagustuhang makisabay sa uso.

May access na rin sila sa social media, online games, at digital allowance, kaya mas lalo itong nagdadagdag ng pressure sa mga magulang.

Dito nagiging mahalaga ang mga dahilan kung bakit dapat kang magbukas ng savings account para sa iyong anak. Natuturuan sila ng tamang paggamit ng pera at nagkakaroon sila ng disiplina sa paghawak ng kanilang sariling ipon.

Maturuan ng Basics sa Pag-iipon

Ang pagbubukas ng savings account ay nakatutulong upang matuto silang magtabi mula sa kanilang allowance o pocket money bago gastusin ang natitirang pera. Bukod dito, nagkakaroon din sila ng opportunity na makita ang paglago ng kanilang savings account.

Ito’y nagiging dahilan para unti-unti nilang maintindihan ang concept ng financial responsibility at nagiging prepared sila sa mas malaking gastusin sa hinaharap.

Maituro sa Kanila kung Paano Mag-handle ng Pera

Maituro sa kanila kung paano mag-handle ng pera

Ang savings account ay isang paraan para ipakita mo sa ’yong anak kung paano mag-manage ng pera. Halimbawa, maaari mo silang turuan kung paano i-handle ang kanilang allowance, ipon, gastusin, at leisure. Gawin mo ito kasama ang pag-monitor ng kanilang progress.

Pwede mo ring ituro kung paano mag-set ng small financial goals, gaya ng pagbili ng bagong school supplies o laruan. Ito’y nakakatulong para sila’y magplano at gumawa ng financial decision kung paano dapat nila gamitin o gastusin ang kanilang pera.

Tulungan Silang Mag-ipon para sa Short-term Goal

Ang assets sa bangko ay maaaring gamitin para matuto silang mag-set at mag-ipon para sa short-term goals. Halimbawa, may gusto silang bilhin na gadget o samahang field trip, pwede ninyong i-record ang target na halaga at ang petsa kung kailan ito gaganapin.

Sa pamamagitan ng regular na pagdedeposito, natututo silang magplano kung magkano ang dapat i-save weekly o monthly para makuha ang goal nila.

Makatutulong ito para magkaroon sila ng financial discipline at makita ang resulta ng kanilang pagsisikap sa pagtitipid.

Para Makapag-build ng Credit nang Maaga

Ang pagbubukas ng savings account para sa iyong anak ay hindi pa direktang nakakapag-build ng credit record. Ito’y dahil nagsisimula lamang ang credit history kapag gumagamit na ng mga produkto tulad ng credit card o loan. Ngunit, malaking tulong ito bilang foundation ng kanilang financial journey.

Sa regular savings, natututo silang maging disiplinado sa pera at nakakapag-develop ng healthy money habits na magiging mahalaga kapag sila ay nagsimula nang gumamit ng credit sa hinaharap.

Makapag-prepare para sa Future

Kung hindi matututo ang anak kung paano mag-handle ng pera habang maaga pa, maaari silang mahirapan sa iba’t ibang financial decisions nila sa buhay.

Para maging handa sila, turuan silang mag-set ng maliit na goals, tulad ng pag-iipon para sa school supplies o extracurricular activities. Maaari ding gumawa ng chart o notebook para i-monitor ang growth ng ipon at maintindihan ang epekto ng bawat deposit sa kanilang long-term plans.

Mai-explain ang Investing at Interest Ideas

Mai-explain ang investing at interest ideas

Maraming bata ang hindi lubos na naiintindihan kung paano lumalago ang pera sa pamamagitan ng interes o investments. Ang assets sa bangko ay malinaw na paraan upang unti-unting madagdagan ang pera kapag nag-iipon nang consistent.

Pwede ring gamitin ang simple simulation para makita nila ang increase ng pera sa paglipas ng panahon. Dahil dito, natututo silang magplano at ma-appreciate ang value ng long-term development.

Ma-build ang Responsibility at Independence Nila

Ang independence at responsibility sa pera ay tungkol sa kakayahang magdesisyon at pagiging maingat at accountable sa bawat financial choice. Maa-achieve ito sa pamamagitan ng pagbubukas ng savings account at pag-monitor ng balance, at pagpaplano sa mga gastusin.

Sila ay mas magiging disiplinado sa kanilang pera, at unti-unting nagiging self-reliant sa kanilang financial decisions.

I-secure ang Iyong Kinabukasan Kasama ang Bank of Makati

Ang Bank of Makati ay isang community bank na may higit 60 years experience sa pagtulong sa mga Pilipino na mag-ipon at abutin ang financial goals.

Ang pagbubukas ng savings account sa amin ay may mababang initial deposit, mataas na interest rates, at secure dahil sa easy monitoring.

Savings Account sa Bank of Makati
Uri ng Savings Account Mga Detalye
Young Savers with ATM
  • Para sa: Mga batang 7–17 years old
  • Initial Deposit: ₱100.00
  • Maintaining Balance: ₱500.00 with 0.625% interest.
  • Access: Passbook at ATM card para sa BancNet ATM access at cashless transactions.
  • Insurance: Deposits ay insured ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) hanggang ₱500,000 bawat depositor.

Key Takeaway

Ang dahilan kung bakit dapat kang magbukas ng savings account para sa iyong anak ay upang masiguro mong natututo silang mag-manage ng pera, magplano para sa kanilang goals, at magkaroon ng disiplina sa murang edad.

Sa Bank of Makati, makakahanap ka ng savings account na madaling i-manage, may flexible na terms, at insured ang iyong deposito hanggang ₱500,000 ng PDIC. Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang simulan ang tamang financial habits at i-secure ang iyong ipon.