This is a beta version of Bank of Makati Inc.'s website. Things may change as we improve the website. thanks for testing and sharing your feedback (send us a message on our official Facebook page or email us at malalapitan.kaibigan@bankofmakati.com.ph)!
Apply

Bakit Kailangan ng mga Estudyante ang Personal Savings Account?

June 5, 2025

Bakit kailangan ng mga estudyante na magkaroon ng Personal Savings Account?

  1. Financial discipline
  2. Paghahanda para sa kinabukasan
  3. Security
  4. Convenience
  5. Pagkakaroon ng interest

Overview

  • Ang pagkakaroon ng personal savings account ay malaking tulong sa mga estudyante para matutong humawak ng pera, mag-ipon, at paghandaan ang future.
  • Bukod sa seguridad at convenience, nakakatulong din ito sa financial discipline at maaaring kumita sa interest—lahat ng ito ay abot-kaya at accessible sa Bank of Makati.

Sa araw-araw na gastusin bilang estudyante, mahalagang matutunan mo agad kung paano humawak ng pera. Mula sa iyong pagkain, pamasahe, hanggang sa school fees, dapat ay marunong kang mag-budget at maging disiplinado kahit maliit man ang allowance mo.

Ang pag-open ng sarili mong savings account ay magandang paraan para simulan ito. Mas madali mong mapapangalagaan ang ipon mo at masusubaybayan kung saan napupunta ang pera mo.

Pero bakit nga ba kailangan ng mga estudyante ang personal savings account? Ito’y ating alamin upang malaman mo kung paano ito makakatulong sa mga gastusin mo araw-araw.

Financial Discipline

Makakatulong ito para matuto silang maging financially responsible sa kanilang pera. Dahil regular silang nagtatabi, masasanay silang mag-isip nang mabuti bago gumastos. Habang tumatagal, nagiging normal na lang sa kanila ang pag-aalaga ng kanilang finances.

Sa Bank of Makati, simple at accessible ang pagbubukas ng personal savings account kahit ikaw ay estudyante pa lamang. Mababa lang ang aming initial deposit, kung saan ito’y ₱100 lang para buksan ang account at ₱500 naman para sa maintaining balance.

Kaya naman, madali itong simulan, abot-kaya, at practical kahit pa maliit lang ang iyong allowance.

Paghahanda para sa Kinabukasan

Paghahanda para sa kinabukasan

Mahalagang matutunan din ang pag-iipon bilang paghahanda para sa iyong future. Sa murang edad, nakakatulong ito para magkaroon ka ng sariling ipon at matugunan ang mga unexpected needs mo o mga plano mo sa iyong buhay.

Kung palagi kang nagtatabi, unti-unti kang nakakabuo ng pondo para sa iyong mga needs, gaya ng tuition fees para sa college, pagbili ng mga personal na gamit o gadget, o kaya ay pagta-travel.

Dahil dito, mas nagiging panatag ka at hindi kinakailangang umasa lang sa iba para magawa mo ang mga gusto mong gawin. Higit pa rito, ang maagang pagsisimula sa pag-iipon ay nagtuturo sa iyo kung paano maging proactive at magkaroon ng long-term vision.

Security

Madalas, hindi ligtas ang pagse-save ng pera sa bahay o wallet dahil p’wede itong manakaw o mawala. Malaking panganib ito lalo na kung ito ay iyong emergency fund.

Ang personal savings account ay nagbibigay ng additional security dahil ligtas itong naka-deposit sa bangko. Dagdag pa rito ang protection laban sa pagkawala, dahil insured ang mga deposits ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) hanggang ₱1,000,000.

Sa Bank of Makati, masisigurong ligtas at protektado ang ipon ng mga estudyantes. Sa aming maayos na banking system at PDIC insurance coverage, confident ang mga depositor sa kaligtasan ng kanilang pera.

Convenience

Convenience

Bukod sa security, importante rin ang convenience o kaginhawaan sa paggamit ng pera. Ang pagiging busy ng mga estudyante sa pag-aaral ay nangangailangan ng madaling access sa kanilang cash kung kinakailangan.

Sa kanilang sariling savings account ay nagiging madali ang paggawa ng transactions, gaya ng pag-deposit at pag-withdraw. Pag may emergency needs, mas mabilis ding makakakuha ng pera sa mga Bancnet ATMs nationawide.

Ang Bank of Makati ay may mga Malalapitang personnel sa mga branches nationwide, member ng BanCnet kaya ang pagwiwithdraw sa ATM ay mas convenient at malalapitang customer service na handang mag-assist for concerns. Dahil dito, nasisigurong accessible anumang oras ang serbisyo, upang walang problema sa pag-manage ng ipon.

Pagkakaroon ng Interest

Hindi lang natatapos ang benepisyo sa disiplina at convenience—p’wede ring kumita ang ipon ng mga estudyantes sa savings account sa pamamagitan ng interest. Kahit maliit lamang sa umpisa, mahalagang dagdag ito na hindi na kailangang laanan pa ng effort o extra work.

Ang regular interest ay nagbibigay din ng motivation upang panatilihing intact at mapalago ang iyong savings. Nagiging mas maayos ang pag-iipon dahil nakikita mo ang real-time benefit nito.

Kami sa Bank of Makati ay nagbibigay ng competitive interest rate na 0.625% per year. Ito ay nakakatulong upang maagang matuto ang mga estudyante sa pagpapanatili at pagpapalago ng kanilang ipon.

Key Takeaway

Ating napag-usapan kung bakit kailangan ng mga estudyante ang personal savings account. Isa itong simpleng paraan para maging handa ka sa mga gastos na darating. Sa pagsisimula nang maaga, nababawasan mo ang stress at nagkakaroon ka agad ng kumpiyansa sa paghawak ng sarili mong pera.

Simulan ang iyong financial journey sa Bank of Makati. Nag-aalok kami ng iba’t ibang banking solutions at buong suporta para matulungan kang maabot ang iyong mga layunin sa bawat hakbang. Makipag-ugnayan sa amin ngayon para matuklasan ang tamang landas para sa iyong financial future.