Overview
- Ang housing loan ay isang paraan upang mapadali ang pagbili ng tahanan.
- Ilan sa mga importanteng hakbang kung paano kumuha ng housing loan ang mga mag-asawa ay i-check ang credit score, alamin and combined income, pumili ng maasahang loan provider, ihanda ang mga required documents, kumpletuhin ang application form, at suriin ang loan offer ng bangko.
- Ang tamang pag-unawa sa bawat hakbang ay makakatulong upang mas mapabilis ang pagkamit ng inyong dream home.
Maraming Pilipino, lalo na ang mga bagong kasal, ang nangangarap magkaroon ng sariling bahay. Ang pagkakaroon ng tirahan na matatawag nilang kanila ay isang mahalagang bahagi ng pagpaplano para sa hinaharap. Nagbibigay ito ng security at stability, lalo na kung sila ay nagpaplanong bumuo ng pamilya.
Sa tulong ng mga financial solutions tulad ng housing loan, mas nagiging abot-kamay ang pangarap na ito. Sa tamang gabay at maingat na pagpaplano, maaari mong simulan ang proseso nang mas madali.
Narito ang dapat mong malaman tungkol sa paano kumuha ng housing loan para sa mag-asawa upang madali mong makamit ang iyong dream home.
Mahalaga ang credit score sa pag-a-apply ng housing loan dahil ipinapakita nito ang kakayahan mong magbayad. Ito’y sinusuri upang malaman kung mapagkakatiwalaan kayo sa pagbabayad.
Kaya naman, kung mataas ang iyong score, mas madali kang ma-a-approve at makakakuha ng mas magandang loan terms. Ngunit, kung ito’y mababa, p’wede itong maging hadlang sa iyong application.
Bago mag-apply, siguruhing maayos ang iyong credit score. Mahalaga ang pagbabayad ng outstanding debts upang bumaba ang iyong debt-to-income ratio. Dapat mo ring suriin ang credit report upang matiyak na walang anumang error na maaaring makaapekto sa iyong score.
Bukod dito, ang regular na pagbabayad ng bills at existing loans ay nakakatulong sa pagpapanatili ng magandang record.
Ang kabuuang kita ng mag-asawa ay isa ring mahalgang batayan sa pagkuha ng housing loan. Ito’y upang masiguro kung sapat ang kita ninyo para sa monthly mortgage. Karaniwan, inirerekomenda na hindi dapat lumagpas sa 30% ng gross income ang loan payment upang mapanatili ang balanse sa iba n’yo pang gastusin.
Ang mas mataas na combined income ay p’wedeng magbigay-daan sa mas malaking loan approval, na makakatulong sa pagbili ng mas malaking bahay o mas magandang location.
Bukod dito, nagiging mas madali rin ang budget planning dahil may malinaw kayong gabay kung magkano ang p’wedeng ilaan para sa mortgage at iba pang gastusin tulad ng kuryente, tubig, at pagkain.
Kapag nakahanda na ang inyong credit score at combined income, ang susunod na hakbang ay ang pagpili ng tamang loan provider. Dapat ito ay may clear process, maayos na communication, at supportive customer service upang matiyak na magiging maayos ang inyong loan application.
Ang mga trusted loan providers ay tinutulungan kayong makahanap ng loan na akma sa inyong financial situation. Sinusuri nila ang iyong credit history, income, at iba pang areas upang matukoy ang pinaka angkop na loan amount at tems.
Sa Bank of Makati, nag-aalok kami ng iba’t ibang housing loans para sa pagbili ng bahay o lupa, pati na rin sa construction at renovation. Sa tulong ng aming malinaw at maaasahang proseso, mas mapapadali namin ang inyong housing loan application upang matulungan kayong makamit ang inyong dream home.
Ang paghahanda ng mga required documents ay isa ring mahalagang hakbang sa kung paano kumuha ng housing loan para sa mag-asawa. Ito ang pangunahing batayan ng bangko sa pagproseso ng inyong application. Kailangang patunayan na may sapat kayong kakayahan magbayad upang matiyak ang maayos na pagbabayad ng loan.
Ang mga bangko, tulad ng Bank of Makati, ay sumusuri sa sumusunod na documents:
Sa BMI, mas pinapadali namin ang proseso ng application sa pamamagitan ng malinaw na gabay at maaasahang serbisyo upang matulungan kayong makamit ang inyong pangarap na tahanan.
Ang application form ang unang hakbang sa proseso ng pagkuha ng housing loan, kaya mahalagang tiyakin na ito ay kumpleto at maayos. Ang mga bangko ay gumagamit ng impormasyong nakasaad dito upang masuri ang inyong kakayahang magbayad, kaya kung walang kulang, mas mabilis ang pagproseso ng application.
Karaniwan, hinihingi sa form ang mga sumusunod:
Alam naming madalas nagiging stressful ang hakbang na ito sa pagproseso ng housing at iba pang loans. Kaya naman, pinasimple namin ang proseso sa pamamagitan ng streamlined application forms at gabay mula sa aming loan officers.
Kapag maayos ang inyong application, mas mataas ang tyansang makakuha ng mas magagandang loan terms, na makakatulong sa mas magaan at mabilis na pagbili ng inyong tahanan.
Matapos i-submit ang inyong housing loan application, makakatanggap kayo ng loan offer mula sa bangko. Mahalagang suriin itong mabuti upang matiyak na nauunawaan ninyo ang mga tuntunin at kundisyon bago tanggapin ang alok.
Sa pagsusuri ng loan offer, bigyang-pansin ang mga sumusunod:
Sa Bank of Makati, malinaw naming inilalahad ang lahat ng detalye ng loan offer upang maiwasan ang hindi inaasahang bayarin. Mayroon din kaming flexible payment terms para gawing mas magaan ang pagbabayad.
Kung may anumang tanong, handang tumulong ang aming customer support upang ipaliwanag ang mga kondisyon at tiyakin na akma ito sa inyong financial goals.
Sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga hakbang na ito, mas mapapalapit kayo sa inyong dream home. Ipinapangarap mo ba ang sariling bahay? Gawing posible ito sa pamamagitan ng housing loan ng Bank of Makati. Makipag-ugnayan na sa amin ngayon!