This is a beta version of Bank of Makati Inc.'s website. Things may change as we improve the website. thanks for testing and sharing your feedback (send us a message on our official Facebook page or email us at malalapitan.kaibigan@bankofmakati.com.ph)!
Apply

5 Paano Makakatulong ang MSME Loan sa Paglago ng Inyong Negosyo?

January 23, 2025

Paano makakatulong ang MSME loan sa paglago ng inyong negosyo?

  1. Makakapagbigay ng additional money para sa business expansion
  2. Masu-sustain ang everyday business operations
  3. Makakapag-invest ng modern equipment
  4. Maaring makatulong para sa marketing efforts
  5. P’wedeng magamit sa pag-e-expand ng workforce

Overview

  • Ang MSME loan ay isang makapangyarihang tool para sa mga negosyo na nais mag-expand at mapabuti ang kanilang operasyon.
  • Sa tulong nito, maaaring makakuha ng pondo para sa expansion, daily operations, modern equipment, marketing, at pagpapalawak ng workforce.
  • Sa Bank of Makati, ang Power Negosyo Enterprise Loan (PNEL) ay tumutulong sa mga business owners upang maisakatuparan ang kanilang mga plano nang walang kinakailangang collateral at may mababang interest rate.

Ang paglago ng negosyo ay nangangailangan ng tamang suporta at sapat na pondo upang magawa ang mga business plans at objectives. Dito pumapasok ang MSME loan, isang uri ng loan para sa mga micro, small, at medium enterprises. Ngunit, paano nga ba makakatulong ang MSME loan sa mga negosyo?

Maaari kayong makakuha ng additional capital para sa pagpapalawak ng inyong negosyo, pagpapabuti ng operation, at pagkuha ng mas maraming opportunities para umasenso.

Sa Bank of Makati, kami ay nag-aalok ng MSME loan na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga business owners na nais mag-expand o mag-improve ng kanilang negosyo. Magpatuloy lamang sa pagbabasa.

Makakapagbigay ng Additional Money para sa Business Expansion

Kung ang iyong negosyo ay nangangailangan ng mas maraming stock upang matugunan ang pangangailangan ng iyong mga customer, makakatulong ang loan upang bumili ng karagdagang inventory.

Sa tulong ng aming Microfinance Kash Loan, hindi mo na kailangang mag-alala tungkol sa collateral dahil hindi na ito kinakailangan.

May maximum loan amount itong PHP 50,000 hanggang PHP500,000 at may term na hanggang dalawang (2) taon, kaya’t mayroon kang sapat na oras upang magamit ang pondo para sa pagpapalago ng iyong negosyo. Mababa rin ang aming interest rate, kaya’t hindi magiging pasanin ang pagbabayad ng loan.

Masu-sustain ang Everyday Business Operations

Masu-sustain ang everyday business operations

Ang mga gastusin para sa mga pangunahing serbisyo, tulad ng kuryente, tubig, at internet na ginagamit sa daily operations, ay maaaring saklawin ng loan upang hindi ito makaapekto sa takbo ng iyong negosyo.

Sa pamamagitan nito, mapapabuti ang cash flow ng negosyo at magkakaroon ka ng flexibility sa pagbabayad batay sa kita ng iyong negosyo. Mabilis din ang proseso ng approval, kadalasan ay tumatagal lamang ng two-seven days, kaya’t hindi ka maaabala sa oras ng pangangailangan.

Mayroon ding mga options tulad ng short-term loans at overdraft facilities na makakatulong sa patuloy na paglago ng iyong negosyo.

Makakapag-invest ng Modern Equipment

Ang loan na ito ay maaaring gamitin upang bumili ng iba’t ibang uri ng kagamitan, tulad ng medical equipment, construction machinery, IT at office equipment, at manufacturing machines, nang hindi kinakailangan ng malaking kapital.

Sa pag-i-invest sa mga modern equipment, magiging mas efficient ang iyong negosyo at tataas ang kalidad ng mga produkto, na magbibigay sa iyo ng opportunity para umasenso ang iyong negosyo.

Mababawasan din ang operational costs dahil sa paggamit ng advanced technology na makakatulong sa pagpapabilis ng production at pagpapabuti ng output. Bukod dito, mas madali ring mapapalawak ang negosyo.

Maaring Makatulong para sa Marketing Efforts

Maaring makatulong para sa marketing efforts

Ang dagdag na pondo mula sa MSME loan ay p’wedeng gamitin para sa iba’t ibang marketing strategies na makakatulong sa pagpapalago ng brand awareness at pagdami ng customer base. Halimbawa, p’wede kang mag-invest sa social media ads (Facebook, Instagram, Google Ads), e-mail marketing, at paggawa ng content tulad ng blogs o videos na makakatulong sa pagpapakilala ng iyong negosyo sa mas maraming tao.

Maaari din itong gamitin para gumawa ng mga materials na makakatulong para mas makilala ang iyong brand, tulad ng business cards, brochures, posters, at iba pang promotional materials.

P’wedeng Magamit sa Pag-e-expand ng Workforce

Maaari mong gamitin ang MSME loan upang mapalawak ang workforce ng iyong negosyo. Ang dagdag na pondo ay makakatulong sa pagkuha ng mga bagong empleyado o pagpapalakas ng kasalukuyang team.

Makakatulong ito upang mapabilis ang araw-araw na operasyon ng iyong negosyo. Maaari mo rin itong gamitin para sa pagpapasahod ng iyong mga tauhan.

Higit pa rito, maaari mong gawing investment ang loan na ito para sa training ng iyong mga empleyado, upang maging mas produktibo sila at mapabuti ang kanilang mga kasanayan.

Key Takeaway

Ang MSME loan ay isang mabisang solusyon para sa mga maliliit at katamtamang negosyo na nais mag-expand at magtagumpay sa kanilang industriya. Sa pamamagitan ng Bank of Makati, makikinabang ang inyong negosyo sa makatarungan at abot-kayang mga terms.

Kung nais mong malaman kung paano makakatulong ang MSME loan sa negosyo mo, makipag-ugnayan sa amin at simulan ang iyong pag-unlad ngayon.