Overview
- Ang pag-iipon para sa edukasyon ng mga anak ay isang mahalagang hakbang sa kanilang kinabukasan.
- Sa gastos mula tuition hanggang extracurricular activities, makatutulong ang savings account upang planuhin at ipunin ang pera nang maayos.
- Sa Bank of Makati, makakasiguro kang may maaasahan at ligtas na katuwang sa pagbuo ng iyong pang-edukasyon na ipon.
Bilang magulang, mahalaga sa’yo ang edukasyon para sa future ng iyong mga anak. Ito ay isang reyalidad na kahit paulit-ulit ay hindi na mawawala sa buhay o isipan ng isang tao.
Ngunit sa gitna ng inflation at mabagal na pagtaas ng salary sa Pilipinas, nag-aalala ka kung sapat ang iyong ipon para sa kanilang pag-aaral.
Ang pagkakaroon ng ipon na nakalaan para dito ay nagbibigay ng security at malinaw na plano para matugunan ang needs natin.
Sa blog na ito, ating pag-usapan paano nakatutulong ang savings account para sa pag-aaral ng iyong mga anak.

Ang tuition ay isa sa pinakamalaking gastusin para sa mga magulang, lalo na kapag private school ang pinapasukan ng anak. Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, ito ay nagiging challenge sa kung paanong hindi maaapektuhan ang ibang pangangailangan ng pamilya.
Sa pagkakaroon ng savings account, maiipon mo nang maayos ang iyong pera para sa school fee ng iyong anak. Ito rin ay paraan upang makapaghanda nang maaga at hindi ka ma-surprise pa sa yearly o monthy semester expenses.
Mapa-public o private school man, hindi maiiwasan ang mga gastusin para sa projects, assignments, at iba pang academic activities ng iyong mga anak. Madalas itong kailangan ng additional fees para sa materials, printing, o special activities na bahagi ng kanilang school curriculum kada taon.
Kung kaya, sa pamamagitan ng savings account, mas madali mo silang mabibigyan ng budget para sa mga nabanggit na gastusin na pang-academic. Malaking bagay ito para well-prepared ka sa anumang pangangailangan sa paaralan.
Sa paglaki ng iyong mga anak, hindi maiiwasan na may mga bagay silang kahihiligan o mga talento na gusto nilang palalimin sa pamamagitan ng extracurricular activities ng school.
Ilan sa mga halimbawa nito ay ang sports competitions, music lessons, at art workshops na kadalasan ay may bayad. Dahil importante ang mga ito sa holistic development ng anak mo, mabuting pagtuunan din ito ng pansin upang hindi sila mainggit sa ibang kaklase nila.
Sa pamamagitan ng savings account, maayos mong maipaplano at mapghahandaan ang mga ito. Halimbawa, maaari kang magtabi ng specific na halaga kada buwan para sa mga inaasahang bayarin, kaya sa oras ng aktibidad, hindi ka nahihirapang mag-adjust.

Sa buhay, hindi naman natin hinihiling ang magkaroon ng emergency, pero minsan, dumarating talaga ito nang hindi inaasahan. Sa paaralan, maaaring kabilang dito ang biglaang medical needs, extra bayad sa field trips, o additional requirements para sa academic projects ng iyong anak.
Upang hindi ma-surprise sa ganitong klase ng sitwasyon, makatutulong ang pagkakaroon ng savings account na naka-allot para sa emergency fund. Sa pamamagitan ng regular na pag-iipon, masisiguro mo na equipped o kumpleto ang pera, na makababawas sa ‘yong financial stress.
Sa panahon ngayon, mahalaga ang pagkakaroon ng college degree dahil mataas ang qualification demands ng mga employers sa Pilipinas. Bukod dito, maaaring may partikular na kurso o program na nais nilang kunin, at bilang magulang, nakabubuti ang pagpapakita ng suporta sa kanilang pipiliing landas sa kolehiyo.
Dito papasok ang kahalagahan ng savings account, dahil sa pamamagitan nito, maipaplano mo nang maayos ang paglalaan ng pondo para sa tuition, books, at iba pa.
Kung tuloy-tuloy ang iyong pag-iipon, masisiguro mo na prepared ka kapag dumating ang panahon.
Maraming magulang ang nahihirapang mag-ipon dahil sa mga necessity sa araw-araw. At sa panahon na mataas halos lahat ng presyo ng bilihin, mahirap naman talaga ang magkaroon ng saving habit.
Ngunit bilang magulang, kung ikaw ay tunay na disiplinado, matututo ka ring mag-budget nang maayos ang iyong sariling finances. Kapag nakikita ito ng iyong anak, hindi malabo na madala rin niya ang tamang disiplina sa pera sa hinaharap.
Ang savings account ay isang malinaw na paraan upang itabi ang iyong pera. Ito ay hindi lamang nakatutulong sa iyong pangangailangan kundi natututo ka ring magplano at mag-manage nang mas responsable.
Ang Bank of Makati ay Maasahan, Malalapitang Kaibigan na makatutulong para sa maayos na pag-iipon para sa edukasyon ng iyong mga anak. Sa Savings Account ng aming bangko, maaari kang magsimula sa ₱5,000 initial deposit at may interes na 0.625% kada taon.
Bukod dito, insured ang deposito ng Philippine Deposit Insurance Commission (PDIC) hanggang ₱500,000. Ibig sabihin nito ay may proteksyon ang perang inilagak mo sa bangko.
Kung sakaling magkaroon ng problema ang bangko gaya ng pagka-bankrupt, babayaran ng PDIC ang halagang hanggang ₱500,000 para sa bawat depositor.
Sa kabuuan, ang pagkakaroon ng savings account ay mahalaga sa kung paano nakatutulong ang savings account para sa pag-aaral ng iyong mga anak, lalo na sa paghahanda para sa tuition, school supplies, extracurricular activities, at iba pang pangangailangan sa paaralan.
Sa Bank of Makati, makakahanap ka ng savings account na simple, abot-kaya, at may kasamang proteksyon ng PDIC hanggang ₱500,000. Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang malaman kung paano ka makakapagsimula at planuhin natin ang kinabukasan ng iyong mga anak.